Paano makatitiyak na maaari nang patawarin si partner?

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2020 03:36 PM | Updated as of Feb 14 2020 04:08 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - May pagkakataon na kapag pinatawad na ang nanakit na partner, hindi nagtatagumpay kalaunan ang relasyon. 

Sa kabila nito, paano nga ba makatitiyak na "love is sweeter the second time around?" 

Ibinahagi ng mag-asawang Dreus at Love Cocio sa programang "Sakto" ngayong Biyernes ang ilang senyales na maaari nang patawarin na ang tiwaling partner. 

Ayon kay Dreus, mainam na alamin kung mahal mo ang isang tao o kung kailangan mo lang siya sa iyong buhay. 

"Mamaya na-miss mo lang na holding hands, baka na-miss mo lang na may kausap kang masarap. Hindi kundi nagmamahal ka kundi may hinahanap ka. Kulang ka," ani Dreus. 

"And then 'pag ready ka you know na 'I'm going to have the second chance with this person not because I need this person because I love this person I want to have a real life with this person," dagdag niya. 

NANGALIWA

Kung nangaliwa naman si partner, mainam ding pag-usapan ang nangyari bago patawarin ito, ayon pa kay Love. 

"Puwede mong bigyan ng second chance kasi naniniwala kami na meron kaming pagkakamali. Every day is really a second chance for both of you kasi hindi naman magiging perfect ang isang relasyon. 

Pero nasa kamay ng sinaktan kung patatawarin niya ito, dagdag niya. 

MOVING FORWARD 

At kapag napatawad na, giit ni Love na hindi na dapat hinahalungkat o binabalikan ang mga pagkakamali kapag napatawad na. 

Para naman sa pinatawad, sinabi ni Dreus na dapat maging "sincere" ang motibo nito. 

"Kung ikaw naman ang pinatawad, dapat you respect the trust given to you. It means dapat mayroong change of heart, natuto na ko ito na ang gagawin ko," aniya. 

ABUSADONG RELASYON

Kung napaloob sa isang abusadong relasyon, maaari naman daw patawarin ang partner. Pero, paalala ni Love: 

"It's traumatic. May iba hinahanap nila [yung partner na iyon] because they're in need. Pero kung ganiyan, you have to protect yourself. Patawarin mo lang ['yong] tao kasi you have to move on," ani Love. 

"You break the cycle. forgive, but you move on," dagdag niya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.