Magkasintahan, huli sa droga sa Payatas

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2020 05:54 AM | Updated as of Feb 14 2020 06:30 AM

Sa kulungan na magce-celebrate ng Valentines Day ang isang magkasintahan matapos silang mahulihan ng shabu sa Payatas, Quezon City.

Aabot sa 13 gramo ng shabu ang nakuha sa magkasintahan sa Rose Street corner Ilang-ilang.

Nagtitinda ng gulay ang lalaki habang walang trabaho ang isa.
    
Ang bahay kung saan sila nahuli ay dati na ring sinalakay ng mga pulis.

Ayon sa lalaking suspek, ipinabebenta lamang sa kanila ang droga at ang pera ay para sa pangkain nilang dalawa.

Kwento naman ng babae, hindi kanila lahat ng nakuhang droga.

Nakakulong ngayon ang magkasintahan sa Batasan Police Station.-Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.