Habal-habal driver, huli sa buy-bust sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2020 05:24 AM

Arestado ang 24-anyos na habal-habal driver na si alyas Jakiri sa buy-bust operation sa isang fastfood restaurant Biyernes ng madaling araw sa Barangay Comembo, Makati.

Ayon kay Police Col. Rogelio Simon, isinagawa ang operasyon ng Eastern Police District (EPD) kasama ng Makati police.

Itinuro kasi si alyas Jakiri bilang supplier umano ng shabu ng isang drug suspect na hinuli ng EPD sa Pasig. 

Nakuha sa suspek ang 25 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P170,000. 

Nahaharap ang suspek sa mga kasong drug selling and possession sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.-Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.