Dating SC Chief Justice Bersamin, itinalaga bilang susunod na GSIS chief

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2020 12:32 AM | Updated as of Feb 14 2020 03:40 AM

MAYNILA - Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong posisyon sa gobyerno si dating Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin.

Ayon kay Sen. Christopher "Bong" Go, itinalaga ng Pangulo si Bersamin bilang pinuno ng Government Service Insurance System (GSIS).

Dagdag pa ni Go, nakapanumpa na rin si Bersamin kay Duterte noong nakaraang linggo.

Oktubre 2019 nang magretiro si Bersamin bilang ika-25 na chief justice ng Korte Suprema.

Matatandaang noong Hulyo 2019, itinalaga bilang officer-incharge ng GSIS si Rolando Macasaet matapos magbitiw sa puwesto si Jesus Clint Aranas

Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na may nakuwestiyon sa pamamalakad ni Aranas sa GSIS na nagresulta sa kawalan ng kumpiyansa ng Pangulo sa GSIS chief.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.