4 na turistang Chinese cleared sa COVID-19 sa Sarangani

Jay V. Dayupay, ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2020 11:07 AM

Natapos na ng apat na turistang Chinese ang 14-day mandatory quarantine at lahat sila ay nagnegatibo naman sa coronavirus o COVID-19 sa Sarangani Province. Larawan mula sa Sarangani Communications Service

ALABEL, Sarangani Province - Pinayagan na noong Huwebes ng Department of Health (DOH) na makabiyahe paalis ng Sarangani ang apat na turistang Chinese na naging 'persons under monitoring' sa lalawigan dahil sa coronavirus o COVID-19.

Ito'y matapos mag-negatibo ang apat sa signs at symptoms ng COVID-19. 

Dumating sa bansa ang apat noong Enero 30 mula Clark at lumipad patungong Davao. 

Mula Davao, nag-bus sila papuntang General Santos at sumakay ng van patungong resort sa Sarangani. Agad naman silang nagpasailalim sa quarantine.

Sa kabuuan ng kanilang 14-day quarantine sa Drug Abuse and Rehabilitation Center ng lalawigan, naging generally healthy naman ang kalagayan ng apat.

Well-accommodated umano sila sa Sarangani habang sumasailalim sa mandatory quarantine. 

Nakatakdang bumalik ng kanilang bansa ang 4 na Chinese.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.