SAPUL SA VIDEO: 2 lalaki, huli sa pag-ihaw ng aso

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2019 05:44 AM | Updated as of Feb 14 2019 08:23 AM

Watch more in iWantTFC

DAVAO CITY - Pinag-uusapan sa social media ang pagpatay at pag-ihaw ng isang aso sa Davao City.

Pinaghahanap ngayong ng mga pulis ang 2 lalaki na responsable sa krimen.

Kuwento ng concerned citizen na kumuha ng video, nangyari ang insidente Miyerkoles ng hapon nang marinig niya ang sigaw ng aso.

Binato ng mga lalaki ang aso hanggang sa katayin at ihawin nila ito.

Dumulog ang concerned citizen sa Talomo Police Station upang humingi ng tulong. Nirespondehan ito ng mga pulis pero wala na ang mga suspek.

Kinondena ng mga animal welfare advocate ang insidente.

Ayon kay Norman Marquez, paglabag ito sa Republic Act 10631 o Animal Welfare Act of 1998.

Pagkakakulong ng 1 taon at 6 na buwan hanggang 2 taon, multa ng P100,000, o pareho ang parusa sa sinumang mapapatunayang lalabag sa batas. - ulat ni Louie Angchay, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.