Negosyante, arestado sa shabu sa Maynila

Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2019 11:01 PM

MAYNILA - Nasamsam ang 32 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P16,000 sa isinagawang ng anti-drug operations ng pulisya Huwebes sa Santa Cruz, Maynila.

Huli rin sa buy-bust operation ng Station 11 ng Manila Police District si alyas "Kudai", 34 anyos na negosyante.

Isinagawa ang operasyon mag-aalas-7 ng gabi sa kanto ng Torres Street kanto ng C.M. Recto Avenue sa Santa Cruz.

Sa report ng Manila Police District, bukod sa 32 sachet ng hinihinalang shabu, nakuha din kay alyas Kudai ang buy-bust money na P500 at digital na timbangan.

Paglabag sa Sections 5, 11 at 12 ng Republic Act 9165 o pagbebenta, pag-iingat ng iligal na droga at drug paraphernalia ang isasampa laban kay Kudai.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.