PatrolPH

Dalagita, pinagsasaksak sa loob ng bahay

Nony Basco, ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2019 11:01 AM

Dalagita, pinagsasaksak sa loob ng bahay 1
Patay na nang matagpuan sa bahay ang dalagita na tadtad ng saksak at may gilit pa ang leeg. Nony Basco, ABS-CBN News

CABATUAN, Iloilo - Duguan at wala nang buhay nang madiskubre ng mga magulang ang 16-taong gulang na anak sa loob ng isang kuwarto ng kanilang bahay sa Zacharias Subdivision sa Barangay Ayaman sa nasabing bayan.

Ayon sa mga pulis, may gilit ang leeg at tadtad ng saksak sa ulo at katawan si Arizza Marie Mayormente.
 
Sa pahayag ng kapitbahay na si Jimmy Ballador, nakarinig siya ng sigaw pasado alas-10 Miyerkoles ng gabi pero hindi malinaw sa kaniya kung saan galing ang paghingi ng saklolo. Kinaumagahan na niya nalaman na patay na ang dalagita.

Lumalabas sa imbestigasyon na hinatid ng tatay na si Ariston ang biktima sa kanilang bahay at iniwang mag-isa.

Dito na posibleng pinasok ang dalaga at pinatay.

Inaalam pa ng Scene of the Crime Operatives kung hinalay ang dalagita bago pinatay.

Kinumpirma ng pulisya na person of interest ngayon sa krimen ang hindi pa pinapangalanang boyfriend ng biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.