Dagsa ang mga mamimili sa Dangwa ngayong Valentine's Day kahit na malaki ang itinaas ng presyo ng mga bulaklak.
Narito ang mga presyo ng bulaklak ngayong araw:
Roses
P80-P100/stem at P600/dosena mula sa dating P50/stem o P300/dosena
Ecuadorian roses
P250/stem mula sa dating P180-P200/stem
Gerbera
P250/10 stem mula sa dating P180/10 stem
Sunflower
P350/stem mula sa dating P100/stem
Carnation
P300/10 stem mula sa dating P180/10 stem
Tulips
P130/stem mula sa dating P120/stem
Stargazer
P250/stem mula sa dating P150/stem
May mga ilang mamimili na rin umano ang nag-advance order ng mga inayos na bulaklak, gaya ng round at arm bouquet, dahil sa inaasahang malaking pagtaas ng mga presyo nito.
--Ulat ni Tina Marasigan, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Valentine's, Umakang Kay Ganda, bulaklak, Dangwa, presyo, mamimili, Tina Marasigan,