SUV nahulog mula sa parking building sa Davao City; 3 sugatan

Francis Magbanua, ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2020 02:28 PM

DAVAO CITY - Sugatan ang tatlong sakay ng isang puting SUV matapos mahulog ang sasakyan mula sa ikatlong palapag ng steel car park ng Davao Doctors Hospital, Huwebes. 

Nakunan ng video ng Bayan Patroller na si Dan-Jez Vel ang rescue operation mula sa kanilang bahay malapit sa car park. 

 

Ayon sa kaniya, posibleng hindi nakontrol ng driver ang SUV dahil madulas ang bakal na sahig ng car park. 

Agad namang nirespondehan ng mga nurse at doctor ang mga nasugatang pasahero.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.