Pulis, patay sa engkuwentro laban sa NPA

Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2020 11:35 AM | Updated as of Feb 13 2020 11:59 AM

JANIUAY, Iloilo - Patay ang isang pulis matapos makasagupaan umano ng kaniyang grupo ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Aglobong, Miyerkules ng hapon. 

Kinilala ang nasawi na si Captain Efren Espanto Jr., team leader ng 6th Reconnaissance Company ng Regional Mobile Force Battalion ng Philippine National Police.

Ayon sa Janiuay Police, nagsasagawa ng combat operation sa lugar ang grupo ni Espanto nang makasagupa ang mga rebelde na pinaniniwalaang miyembro ng Central Front Committee ng CPP-NPA. 

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.