Pintor arestado matapos makuhaan ng droga, baril sa Las Piñas

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2020 05:46 AM

Kalaboso ang 25 anyos na pintor na si alyas Alex matapos itong makuhaan ng droga at baril sa police operation sa Las Piñas.

Ayon sa imbestigasyon nina Police Chief Master Sgt. Rene Mollenido at Police Senior Master Sgt. Joswey Tobias, nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Las Piñas Police Community Precinct 7 sa CRM Avenue, Barangay Almanza 1. 

Nakuha mula sa suspek ang isang caliber .38 revolver pero nang hanapan ito ng mga kaukulang dokumento, wala itong naipakita. 

Isang sachet din ng shabu na may street value na mahigit P5,000 ang nakumpiska mula sa suspek.-Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.