P340,000 halaga ng ‘shabu’, nasabat sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2020 02:44 AM

Aabot sa mahigit P340,000 na halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD), sa buy-bust operation Miyerkoles ng gabi sa Barangay 135, Bagong Baryo, Caloocan City.

Ayon kay Police Capt. Ramon Aquiatan Jr. mula sa drug enforcement ng NPD, arestado rin ang dalawang lalaki na target ng operasyon. Isa sa mga suspek ay nakulong na dati dahil sa pagbebenta rin ng droga.

Gamit ang P8,000 boodle money ay nakipagtransaskyon ang mga pulis sa mga suspek ng 9:30 ng gabi.

Nang magpositibo ay doon nakuha sa mga suspek ang 50 gramo ng hinihinalang shabu. 

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.-Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.