Online seller ng alahas, patay sa pamamaril sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2020 07:27 PM | Updated as of Feb 15 2020 08:37 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Isang babaeng online seller ng alahas ang nasawi matapos siya pagbabarilin sa Maynila nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Mary Grace Li, 31.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Jennifer, papasok na sana sa trabaho sa isang tindahan ng alahas sa kanto ng Recto Avenue at Mapua Street si Li nang pagbabarilin siya ng isang riding-in-tandem.

Sa impormasyon ng Manila Police District - Homicide Division, apat na tama ng bala sa dibdib, likod at ulo ang tinamo ng biktima.

Naisugod pa sa ospital si Li pero idineklara na siyang dead-on-arrival.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang mga salarin sa krimen.--Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.