Negosyanteng nahulihan ng baril sa Butuan, timbog

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2020 05:48 AM

Photo courtesy of NBI CARAGA

Arestado ang isang negosyante matapos marekober sa isang kwarto sa ikalawang palapag ng kanyang bahay ilang mga armas at bala Miyerkoles ng umaga sa Butuan City. 

Bitbit ang search warrant, nirekesa ng mga pulis at mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bahay ng negosyanteng si Rey Carmona sa Purok 1, Barangay Cabinet, Cabadbaran City.

“This was based on the intelligence information received by NBI Caraga that a certain Rey Carmona, Florence Carmona, Fernando Lolor and other personalities are maintaining a private armed group in Cabadbaran City,” ani Mario Minor, regional director ng NBI Caraga.

Ang pangalawang palapag umano sa bahay ay ginagawang safe house ng pinaniniwalaang private armed group ni Carmona.

Kaya’t iniimbestigahan nila ngayon ang posibleng koneksyon ng grupo sa mga ilegal na gawain sa Caraga.

Tumangging magbigay ng pahayag si Carmona na nakakustodiya ngayon sa NBI Caraga. Sinampahan na rin siya ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.-Ulat ni Lorilly Charmane D. Awitan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.