Ayon sa mga pulis, notoryus ang suspek bilang isang siga umano sa kanilang lugar. Screengrab
MAYNILA — Timbog sa Angono, Rizal nitong Huwebes ang isang lalaking tinaguriang "most wanted" sa Quezon City dahil sa kasong frustrated homicide.
Hindi na nakapalag pa ang suspek na si Jerome Jaingue nang arestuhin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bisa ng isang arrest warrant.
Narekober sa suspek ang isang baril at sumpak.
Ayon sa mga pulis, notoryus si Jaingue bilang isang siga umano sa kanilang lugar.
"Nag-iinuman sila tapos sinugod niya ['yung biktima at] sinaksak niya... Bully ito sa lugar nila at inirereklamo ng barangay. Sangkot din siya sa illegal drug trade at may mga loose firearm siya," ani Police Lt. Marygrace Clua ng CIDG-QC.
Aminado naman sa krimen si Jaingue.
"Nagkabiglaan lang po. Sinugod ko tapos sinaksak ko," anang suspek.
Inaalam na ng CIDG kung may iba pang pending na mga arrest warrant ang suspek.
—Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, krimen, baril, sumpak, frustrated homicide, TV PATROL