Babaeng nabangga ng motorsiklo sa Palawan, patay

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2020 11:20 PM

Patay ang isang babae matapos mabangga ng isang motorsiklo Huwebes ng hapon National Highway, Barangay Abongan, Taytay, Palawan. 

Kinilala ang biktimang si Marieta Batuta, 53 anyos, isang negosyante.

Sa ulat na natanggap ni Police Lt. Col. Imelda Tolentino, tumatawid sa kalsada si Batuta nang masalpok ng motorsiklong minamaneho ng isang 27 anyos na lalaki. 

Nagtamo ng pinsala sa ulo ang biktima.

Naisugod pa siya sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Napag-alamang walang lisensya ang driver at wala ring plaka ang minamanehong motorsiklo.

Mahaharap ang suspek sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.