ALAMIN: Presyo ng ilang Valentine's gift sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2020 01:19 PM

MAYNILA - Dagsa na ang mga mamimili sa Libertad, Pasay City para mamili ng mga panregalo sa Valentine's isang araw bago ang okasyon sa Biyernes. 

Aabot sa P80 ang kada piraso ng rosas. Nabibili naman sa P300 ang kada bouquet nito. 

Pero kung gusto ng mas magarbong boquet, pumapalo ito ng P1,000. 

Malalaki rin ang mga ibinebentang stuffed toy na naglalaro sa P1,200 hanggang P1,800 ang presyo depende sa laki.

Handa na rin ang ilang pasyalan na maaaring puntahan sa araw ng mga puso. 

Nakapuwesto na ang mga dekorasyon sa Metropark sa Macapagal Boulevard para sa mga nais mamasyal doon. 

Tuwing gabi, magkakaroon naman ng Valentine's Market kung saan maaaring mad-date at kumain ng murang dinner. 

Malinis na rin ang parke sa harap ng Pasay City Sports Complex para sa mga magkasintahang nais lang magliwaliw. 

-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.