Tindahan ng spare parts sa QC, nasunog

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2019 12:18 AM

MAYNILA - Sumiklab ang sunog sa isang tindahan ng spare parts ng sasakyan sa Barangay Balingasa, Quezon City nitong Martes ng gabi.

Nag-umpisa ang sunog alas-9:58 ng gabi at umabot sa unang alarma bago idineklarang fire out alas-10:34 ng gabi. 

Nagdulot naman ng matinding traffic ang sunog sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue.

Patuloy ang imbestigasyon sa pinagsimulan ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.