Magtiyuhin, timbog sa buy- bust sa Dipolog City

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2019 09:11 AM

Umabot sa 16 pakete ng hinihinalang shabu na may street value na P150,000 ang nakumpiska sa buy-bust operation laban sa mag-tiyuhin sa Dipolog City. Larawan mula sa Dipolog Police Station

DIPOLOG CITY – Arestado ang mag-tiyuhin sa isinagawang buy-bust operation ng Dipolog City Police sa Barangay Sta. Isabel, Lunes.

Ayon sa pulisya, matagal na nilang minamanmanan ang iligal na transaksiyon ng mag-tiyuhing sina David Noble, alyas David Woo, at Joanna Dangcalan, alyas Joanna Woo.

Sa mismong bahay ni Dangcalan isinagawa ang transaksyon. Maingat umano ito sa bawat transaksyon at hindi basta-bastang nagbibigay sa mga ‘di kakilala.

Sa money transfer na rin pinagbabayad ang kanilang mga kustomer.

Nasa 16 na pakete ng iligal na droga na may street value na P150,000 ang nakumpiska ng awtoridad sa mga suspek.

Sinampahan na rin sila ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.