Babae timbog sa kidnapping, droga sa CamSur

Rizza Mostar, ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2019 04:49 PM

Arestado ang isang 22-anyos na babae matapos i-report na nangunguha umano ng bata sa Sipocot, Camarines Sur nitong Martes.

Sumbong ng Grade 4 na anak kay Augusto Abo, pauwi na siya nang mapansing sinusundan ng babae hanggang pinilit siyang isakay sa puting sasakyan. Nakatakas ang bata. 

Nagpakilala ang suspek na si Elena Judilla, residente ng Naga City. 

Ayon sa pulisya, nagkunwari itong hindi nakakapagsalita pagdating sa presinto. Nakuha rin sa kaniya ang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Sinubukan naman ng ABS-CBN News na kausapin siya pero nagsi-senyas lamang ito.

Naka-alerto ngayon ang mga magulang maging mga mag-aaral ng isang elementarya malapit sa pinangyarihan.

Haharap sa kasong kidnapping at pag-iingat ng ilegal na droga ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.