ALAMIN: Presyuhan sa Dangwa sa bisperas ng Valentine's Day

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2019 11:29 AM | Updated as of Feb 13 2019 09:28 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagsimula nang dumagsa ang mga tao sa Dangwa Flower Market sa Maynila sa bisperas ng Valentine's day ngayong Miyerkoles.

Sa dami ng tao, nagsimula nang sumikip ang traffic sa bandang Dimasalang Street dahil may mga nakaparada sa gilid ng daan kabilang na ang mga delivery truck.

Sariwa ang mga bulaklak na ibinagsak sa Dangwa dahil galing umano ito sa iba't ibang probinsiya gaya ng Benguet at marami ay galing din abroad gaya ng China at Thailand. 

Tulad ng inaasahan, mataas na ang presyo ng mga bulaklak partikular na ang mga rosas, na tradisyunal na ibinibigay tuwing Valentine's Day. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Presyo ng mga rosas sa Dangwa 

  • Local red roses → P700/dosena (dati: P600/dosena)
  • Local red roses na may arrangement → P1,500 
  • Local white roses → P500/dosena (dati: P400/dosena)
  • •White roses na may arrangement → P1,500
  • Ecuadorian roses (kada piraso) → P180/stem
  • Ecuadorian roses na may arrangement → P1,800/6 piraso
  • Local pink roses → P600/dosena (P1,200 may arrangement) 
  • China roses na may arrangement →P1,200/10 piraso 
  • Holland roses → P180/stem (P2,000/10 piraso, may arrangement) 
  • Roses at fillers → P1,500/bouquet
  • Indian roses → P100/piraso (P1,000/10 piraso, may arrangement) 

Tumaas din ang presyo ng iba pang bulaklak sa Dangwa. 

Presyo ng ibang bulaklak 

  • Gerbera → P200/10 stems
  • Carnation → P200/10 stems
  • Sunflower → P200/stem (dati: P120/piraso)
  • Sunflower na may arrangement → P1,500/6 piraso
  • Malaysian mums → P180 (dati: P150)
  • Malaysian mums na may arrangement → P600
  • Daisy o Carnation → P200/dosena (dati: P170/dosena)
  • Daisy o Carnation na may arrangement → P700 (dati: P450) 
  • Stargazer → P150/stem (dati: P130/stem) 

Inaasahan na dadami pa ang tao ngayong gabi kaya ipinapayo na agahan na ang pagbili ng mga bulaklak sa Dangwa.

-- Ulat nina Johnson Manabat at Tina Marasigan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.