4 na babae na 'ibinubugaw' sa Makati, nasagip

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2019 05:03 AM | Updated as of Feb 13 2019 09:20 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nasagip ng mga awtoridad Martes ng gabi ang 4 na babaeng ibinubugaw umano sa Makati City.

Nahuli rin ang suspek na umano'y ibinebenta ang mga biktima sa halagang P2,000 hanggang P4,000.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon kay Senior Supt. Gemma Cruz Vinluan ng Philippine National Police - Women and Children Protection Desk (PNP-WCPD), dinadala ng suspek ang mga babae sa isang restaurant para pagpilian ng mga kustomer.

"Ang modus, meet up customer then mamili ng babae, kapag nakapamili, dadalhin sa inn," aniya.

Kabilang sa mga nasagip ay isang menor de edad. Kuwento niya, niyaya lang umano siya ng suspek na kumain.

Ayon sa isang biktima, wala siyang kaalam-alam na ibubugaw pala sila. Akala niya mag-iinuman lang sila.

Inamin naman ng suspek na ginagawa niya ito bilang hanapbuhay. "Kasalanan ko rin kasi alam kong mali," aniya.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.