70 pamilya, lumikas dahil sa bagyong Basyang

Angelica Fay Saniel, ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2018 11:36 AM

Photo courtesy of PDRRMO command center

Umabot na sa 70 pamilya na nakatira sa 2 bayan sa Cebu ang lumikas dahil sa pag-ulan dala ng bagyong “Basyang”.

Pinangangambahang malagay sa peligro ang mga namamalagi malapit sa dalampasigan ng Barangay Santa Filomena sa Alegria.

Umabot sa 64 na household ang pinalikas sa Santa Filomena Gym at sa malapit na paaralan.

Samantala, 6 na pamilya sa Poblacion, Boljoon ang pinalikas din ng local disaster team.

Patuloy ang monitoring ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office sa Southern Cebu ngayon matapos magpadala ng dagdag na manpower at heavy equipment sa Ronda, Alegria, Moalboal, Mibglanilla at Bojoon.

Ayon sa PAGASA, nag-landfall ang bagyo sa Cortes, Surigao, Martes ng umaga.

Itinaas sa Signal No. 2 ang Bohol, Southern Cebu, Siquijor, Negros Oriental, Southern Negros Occidental, Southern Leyte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Camiguin, Misamis Oriental, at northern section ng Bukidnon.

Signal No. 1 naman sa mga sumusunod na lugar:

Palawan, kasama ang Calamian islands
Southern section ng Masbate
Aklan
Capiz
Antique
Iloilo
Guimaras
Rest of Negros Occidental
Rest of Cebu
Leyte
Biliran
Samar
Eastern Samar
Zamboanga del Sur
Misamis Occidental
Lanao del Norte
Lanao del Sur
Rest of Bukidnon
North Cotabato
Compostela Valley
Davao del Norte
Northern sections ng Davao Oriental,
Zamboanga del Norte, at
Zamboanga Sibugay

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.