4 patay sa landslide sa Surigao del Sur

Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2018 11:30 AM | Updated as of Aug 20 2019 12:52 PM

Watch more in iWantTFC

CARRASCAL – Apat na residente ang nasawi sa naganap na pagguho ng lupa, Martes ng madaling araw sa Carrascal, Surigao del Sur. 

Pasado alas-4 ng madaling araw nang matabunan ng gumuhong lupa ang bahay ng pamilyang Denguillo sa Barangay Gamuton na ikinasawi ni Irene, 23-taong gulang, at mga anak nitong 2 at 6 na taong gulang. 

Nadala pa sa community hospital ang mag-iina pero binawian na ng buhay. 

Sugatan naman ang amang si James.

Patay din ang isang 10-taong gulang na bata matapos na matabunan ng gumuhong lupa habang papunta sa evacuation center sa Barangay Babuyan. 

Ayon kay Krista Pa-as ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, may mga binahang barangay din sa lugar at kasalukuyang isinasagawa ang rescue operations sa mga residente.

Samantala, wala pa rin kuryente sa Carrascal simula pa kagabi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.