LONDON- Imbes na magpahinga sa kanyang day-off, piniling sumama ng nurse na si Alroi Abrantes sa rally ng kanyang kapwa healthcare workers.
Muli kasing nakiisa ang Pinoy nurses sa serye ng protesta ng healthcare workers sa England, United Kingdom sa pamumuno ng Royal College of Nursing (RCN) na pinakamalaking nursing union sa bansa.
Photo by Joefer Tacardon, St. Thomas’ Hospital, London
Dalawang araw na magkasunod ang protesta ang naganap mula February 6 para muling kalampagin ang gobyerno at igiit ang dagdag at patas na pasahod sa tatlong taon niyang pagtatrabaho sa Guy’s Hospital sa London, ramdam na niya kasi ang krisis sa public healthcare system ng UK.
Photo by Joefer Tacardon, St. Thomas’ Hospital, London
“Dito kasi ikaw lahat, mula pagkain nila, medicines, washing, pagligo, shower, so sobrang bigat niya, kaya para sa amin. Kulang yung natatanggap naming sahod kumpara sa trabahong ginagawa namin,” sabi ni Alroi Abrantes, National Health Service (NHS) nurse.
Photo by Joefer Tacardon, St. Thomas’ Hospital, London
Bukod sa madalas na kulang sa staff, pinatindi pa raw ang kanilang pasanin sa pagtaas ng mga bayarin at bilihin.
WESTMINSTER
Sa Palace of Westminster, ‘fair pay’ ang sigaw ng mga nagtatrabaho sa National Health Service (NHS) ng UK.
Ayon sa healthcare workers, patuloy nilang kakalampagin ang gobyerno hanggang sa buksan nito ang negosasyon para sa hinihiling na umento sa sahod.
Photo by Joefer Tacardon, St. Thomas’ Hospital, London
Sa Saint Thomas hospital sa London, wala ring puknat ang panawagan ng healthcare professionals. Hindi anila sapat ang mga palakpak at pagkilala bilang mga bayani ng pandemya.
Sumama rin ang ilang Pinoy nurses sa mga nag-welga sa King’s College Hospital.
“We need to have the proper salary to accommodate all the expenses,” sabi ni Gina Baban, NHS nurse.
Giit nila, kailangan nang umaksyon si Prime Minister Rishi Sunak para maisalba ang NHS na dating tinitingala ng mundo dahil sa libreng healthcare para sa British public.
Photo by AJ Mamaril, King’s College Hospital, London
“This is not only for the nurses but also for our patients, kasi it’s not only for the pay rise but also for safe staffing, and also for the safe nursing care na mabibigay namin,” sabi ni Jerome Peregil, NHS nurse.
“A lot of people think it’s about us getting pay rises but it’s more to that. It’s about trying to retain the nurses and actually being able to provide the services our patients deserve," sabi ni Ryle Imbang, NHS nurse.
Nangalampag din ang Pinoy nurses ng Gloucestershire Hospitals NHS Foundation Trust sa Gloucester, South West England.
Photo by Tina Omagap, Gloucestershire Hospitals NHS Foundation Trust
Lumahok din sa strike ang healthcare workers sa East Suffolk and North Essex NHS Foundation Trust sa Ipswich, England.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa United Kingdom, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
KAUGNAY NA VIDEO: