PatrolPH

'Pikon' sa sabong, namaril nang matalo; lalaki, patay

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2023 04:07 PM

Dead on the spot ang isang sabungero matapos itong barilin ng kapwa sabungero sa loob ng isang sabungan sa Barangay Ala-uli, Pilar, Bataan, nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ni Bataan Police Provincial Director Police Col. Rommell Velasco ang biktima na si Nards Morales, 52, ng Benzon Subdivision, Cupang Proper, Balanga City.

Ang suspek naman ay nakilalang si Russel Antonio na tumakas matapos nitong pagbabarilin ang biktima sa may hagdanang bahagi ng Pilar Cockpit Arena habang nasa kainitan ng sultada.

Base sa inisyal na ulat, napikon ang natatalong suspek dahil sa matinding kakulitan ng biktimang si Morales na naging dahilan ng pagbaril nito sa biktima.

Patuloy ang pagtugis ng pulisya sa suspek at imbestigasyon hinggil sa insidenteng ito sa loob mismo ng sabungan sa Bataan.

— Ulat ni Rod Izon

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.