TFC News

Parokya sa Oslo, bagong tirahan ng Our Lady of Peñafrancia sa Norway

Marco Camas | TFC News Norway

Posted at Feb 12 2023 03:37 AM

OSLO - Mainit ang naging pagsalubong sa Our Lady of Peñafrancia sa St. Hallvard Parish Church sa Oslo, Norway kamakailan. Ang Parokya ng St. Hallvard ang magiging permanenteng tirahan ng imahen.

Para sa debotong si Mara Trana, dininig ang kanyang panalangin na madala rin ang imahen sa Norway para maipakilala ang mahal na birheng Peñafrancia sa bansa.

1

“I have been living in Norway since 1986, and I’ve only experienced Peñafrancia again in 2011. When I went home for the very first time after many years. I thought this fiesta should come to Norway and I have been working on this since then,” sabi ni Mara Trana, deboto ng Our Lady of Peñafrancia.

Espesyal ang pagdating ng imahen sa Norway dahil mismong si former Vice-President Leni Robredo, na taga-Naga rin, ang nagdala nito mula Pilipinas.

‘’Nahikayat po namin ang ating kaibigang si Atty. Leni Robredo na dalhin ang imahen ngayon dahil siya’y bumisita dito sa Oslo, dinala niya ang imahen galing Naga City,” kwento ni Trana.

Sa pagdating ng imahen nag-alay ng misa ang parokya sa pangunguna ni Father Ragnar Salvesen at sinundan ito ng pagbabasbas ng imahen.

Ayon kay Father Ragnar, napakahalaga ng ganitong debosyon sa isang bansang minority ang mga Katoliko.

“The devotion to our Lady is very important obviously to us as Catholics. When we live in a country in which 2% are Catholics, well, both cultural and spiritual events, are very important to build up our community,” ’sabi ni Fr. Ragnar.

‘’I think sa devotees kay Mama Mary magiging eager sila na mag participate sa kagaya nito,” sabi ni Julie Santos, deboto ng Our Lady of Peñafrancia.

Suportado naman ng Philippine Embassy sa Oslo ang pagdating ng Our Lady of Peñafrancia at hinihikayat nila ang mga Pilipino sa Norway na bisitahin ang imahen.

‘’This is the first time we are doing it here in Norway and hopefully hindi lang po rito sa Oslo mangyayari, malilipat din po ito at kumalat po sa ibang parokya at dadami po ang deboto. Inaanyayahan namin kayo na kapag nagawi po kayo rito sa Oslo ay dalawin niyo po si Ina sa St. Hallvard Parish,” paanyaya ni Enrico Fos, Philippine Ambassador to Norway.

Inaasahan din ng Filipino community sa Oslo ang mas malaking selebrasyon ng pista ng Peñafrancia sa Setyembre.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan Norway, tumutok sa TFC News sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC