PatrolPH

Most wanted person sa Pasig dahil sa kasong rape, tiklo sa Nueva Ecija

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2022 06:13 AM

MAYNILA — Naaresto ang "top 1 most wanted person" ng Pasig City Police sa isang operasyon sa bayan ng Guimba, Nueva Ecija nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa pulisya, hinainan nila ng arrest warrant si Joel Dalao, 36, sa operasyon sa Brgy. Culong dahil sa dalawang bilang ng kasong rape laban sa kaniya.

 

Ang nag-issue umano ng warrant of arrest ay si Judge Byron San Pedro ng Regional Trial Court Branch 261 ng Pasig City.

Tumangging magbigay ng pahayag si Dalao.

Nakapiit na ang suspek sa Custodial Detention Facility ng Pasig City Police Station.

— Ulat ni Reiniel Pawid

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.