Ilang barangay sa Laoang, Northern Samar binaha

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2022 10:37 PM

Kuha ng MDRRMO Laoang.
Kuha ng MDRRMO Laoang.

Tinamaan ng baha ang ilang barangay sa bayan ng Laoang, Northern Samar dulot ng walang tigil na pag-ulan.

Isa sa mga tinamaan ang Barangay Oleras kung saan may mga bahay na rin ang pinasok ng tubig-baha.

Ayon sa impormasyon mula sa MDRRMO Laoang, alas-5 Sabado ng hapon nag-umpisang tumaas ang tubig baha. Umabot na hanggang baywang ang tubig matapos na umapaw ang malapit na ilog sa barangay.

Pinayuhan na ang mga residente na mag-ingat sa posibilidad pa patuloy na pagtaas ng tubig lalo na at tuloy tuloy ang mga pag-ulan.

Nakabantay naman ang mga kinatawan ng LGU Laoang sa sitwasyon. -- ulat ni Ranulfo Docdocan