Traffic enforcer pinuri matapos ibalik ang napulot na P10,000

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2020 11:45 AM

MAYNILA — Umani ng papuri mula sa netizens maging sa kaniyang mga katrabaho ang isang traffic enforcer ng Quezon City matapos nitong ibalik ang malaking halaga ng pera na kaniyang napulot. 

Kuwento ng traffic enforcer na si Renato Tiongson, nitong Miyerkoles ng umaga ay nakapulot siya ng P10,000 cash sa loob ng compound ng Quezon City Hall.

Sa halip na itago at pag-interesan, agad niya itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Kasalukuyan pang hinahanap ang tunay na may-ari ng pera. Retrato mula kay Andrew Sufrir

Sa tulong ng mga kawani ng QC City Hall, nadala ang pera sa public assistance desk ng lungsod.

Kasalukuyan pang hinahanap ang tunay na may-ari ng pera.

Nakadestino si Tiongson sa Department of Public Order and Safety ng Quezon City. 

—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.