TINGNAN: Lollipop brand natuklasang gumagamit ng condom foil bilang pambalot

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2020 11:10 AM

MAYNILA — Pinakukumpiska ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga lollipop brand na Dipzy Cornpop ng kompanyang MM Lucky Multisales Corporation matapos matuklasang condom foil pala ang ginagamit nilang packaging. 

Sa isang advisory ng FDA, sinabi ng ahensiya na hindi nila aprubado ang paggamit ng kompanya ng Durex condom foil para ibalot ang lollipops. 

Inabisuhan ng FDA ang publiko na huwag bilhin ang tinawag nilang "adulterated" products o mga produktong maaaring may mababang kalidad.

Giit pa ng FDA, walang Certificates of Product Registration ang mga nasabing lollipop kaya hindi rin sigurado kung ligtas ito sa kalusugan. 

Binalaan ng FDA na paparusahan ang sino mang magbebenta ng mga naturang lollipop.

Iniimbestigahan na ng DFA ang distribusyon ng mga lollipop at pinahahanap sa mga tauhan nito ang mga produkto para kumpiskahin sa merkado.

—Ulat ni Michael Joe Delizo, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.