TINGNAN: Kinagigiliwang 'hugot' ng LTO sa Naga City

Rizza Mostar, ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2020 04:08 PM

Nakiisa ang Land Transportation Office (LTO) sa Naga City sa pagpapakalat ng hugot lines lalo na't papalapit na ang selebrasyon ng Araw ng mga Puso.

Kinagiliwan ng mga nagpaparehistro sa naturang tanggapan ang mga nakatutuwang hugot lines na nakapaskil sa mga bintana o mga computer ng mga empleyado nito.

Rizza Mostar, ABS-CBN News

Rizza Mostar, ABS-CBN News

Rizza Mostar, ABS-CBN News

Ang mga hugot line ay may kinalaman pa rin sa trabahong ipinatutupad ng LTO o mga nararanasan ng mga motorista.

Ilan sa mga ito ay ang mga katagang: "Buti pa ang violators hinahanap, ako hindi" at "Pagmamahal na tinututulan pero hindi mapigilan #gasolina."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.