Mahigit P1.2M halaga ng ‘shabu’ nakumpiska sa Taguig City

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2020 05:06 AM

Narekober ang halos 180 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na mahigit P1.2 milyon sa isang police operation sa Taguig.

Arestado din ang suspek na si alyas Darwin, residente ng Kenneth Subd., Barangay Pinagbuhatan, Pasig City. 

Kumpiskado ang motorsiklo ng suspek, digital weighing scale, isang gold plated na kutsara, at black pouch na pinaglagyan ng shabu. 

Ayon sa imbestigasyon ni Police Cpl. Aaron Dicang, nagsagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Taguig Police sa C6 Road, Barangay Hagonoy malapit sa may Pumping Station. 

Pinara nila si alyas Darwin na sakay ng isang motorsiklo para silipin ang mga dokumento ng motor at kung may lisensya ang rider. Dito na nakuha ng mga pulis ang 6 na plastic sachet na iba’t iba ang laki na naglalaman ng hinihinalang shabu.-Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.