Eroplano nag-emergency landing sa Ilocos Sur; 2 sakay ligtas

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2020 11:09 PM

Photo courtesy of PNP - Sta Cruz, Ilocos Sur

Nag-emergency landing ang isang Cessna 152 plane Miyerkoles ng hapon sa Barangay Pilar, Sta. Cruz, Ilocos Sur.

Ligtas naman ang sakay nitong flight instructor at student pilot.

Sa paunang impormasyon, galing ang mga ito sa Vigan City at pabalik na sana sa Binalonan, Pangasinan nang magkaroon ng engine failure kaya humanap ng ligtas na lugar ang piloto at nag-emergency landing sa tabing dagat.-Ulat ni Dianne Dy-Asuncion, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.