Bus driver, arestado sa buy-bust operation sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2020 05:17 AM

Timbog ang isang 47 anyos na bus driver sa buy-bust operation sa Parañaque.

Kinilala ang suspek na si alyas Erick na residente ng Purok 6, Area D, Sapang Palay, Bulacan.

Ayon sa imbestigasyon ni Police Senior Master Sgt. Ellan Sagario, nagkasa ang mga tauhan ng Parañaque Police drug enforcement unit ng buy-bust operation sa Coastal Mall, Barangay Tambo na target si alyas Erick. 

Dalawang-daang pisong droga ang nabili ng police poseur buyer mula sa suspek. Agad itong inaresto matapos maiabot ang droga sa operatiba.

Nakuha mula sa suspek ang 4 sachet ng hinihinalang shabu na may street value na mahigit P10,000 at buy-bust money.-Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.