3 lalaki huli sa pagbebenta ng droga sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2020 05:03 AM

Arestado ang tatlong lalaking nagbebenta umano ng ilegal na droga sa abandonadong bahay na tinitirhan sa Pampanga.

Sa hudyat ng police poseur buyer, pinasok ng drug enforcement unit ng Bacolor Police ang kanilang bahay sa Barangay Tinajero, Bacolor.

Arestado sina Jobert Tongol, 22 anyos, Richard Laxamana, 32 anyos, at Jeev De Leon, 36 anyos.

Nakuha sa tatlo ang 6 sachet ng hinihinalang shabu at ang P500 marked money.

Bukod sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act para sa tatlong suspek, sasampahan din ng kasong panghahalay si De Leon.-Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.