2 kalaboso sa droga sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2020 05:13 AM

Arestado ang isang lalaki at isang babae sa buy-bust operation sa Baseco, Maynila. 

Nagkasa ng anti-illegal drugs operation ang station drug enforcement unit ng Ermita Police matapos makakuha ng impormasyon ukol sa ilegal na aktibidad sa lugar. 

Nagpanggap ang isang pulis na bibili ng droga at nakipagkita sa mga suspek sa Block 9, Baseco Compound sa Port Area. 

Matapos ang transaksyon, hinuli ang mga suspek na napag-alamang nasa drugs watchlist ng Manila Police District. Nakatakas naman ang isa pang suspek. 

Nakuha sa mga nahuli ang nasa 40 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P272,000. 

Nakakulong na rin ang mga suspek sa Ermita Police Station.-Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.