Kennon Road sa Baguio pansamantalang bubuksan

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2019 01:58 PM


Inanunsyo na ng Department of Public Works and Highways ang pansamantalang pagbubukas ng Kennon Road sa Baguio City simula sa Huwebes, Pebrero 14, hanggang Pebrero 18, 2019 gayundin sa Pebrero 22 hanggang Marso 4, 2019.

Ayon sa DPWH, papayagang makaraan dito ang mga light vehicles na paakyat ng Baguio City at para bigyang daan ang mga dadalo sa Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming at Panagbenga Festival.

Ayon kay Public Works Secretary Mark Villar, pawang mga light vehicles ang papagayan sa Kennon Road o mga sasakyang may maximum weight na 5-tonelada.

Layon nito na mabawasan ang volume ng mga sasakyan sa Marcos Highway na inaasahang dadagsa sa dalawang magkasunod na malalaking event.

“The DPWH-CAR and other members of Kennon Road Task Force have agreed to open Kennon Road just for motorists going to Baguio. Those leaving Baguio can then utilize Marcos Highway, Naguilian Road or the Asin-Nangalisan-San Pascual- Tubao Road,” ani Villar.

Nilinaw ng DPWH na ang mga galing sa Baguio pababa ay maaaring dumaan sa Marcos Highway, Naguilan Road o sa Asin- Nangalisan-San Pascual-Tubao Road

Ayon kay DPWH-CAR Director Tiburcio Canlas, ang mga residente ng Baguio na dadaan sa Kenon Road ay papayagan naman bastat nakapagsumite na ang mga ito ng plate number ng kanilang sasakyan para mapasama sa listahan ng mga exemption na i-eendorso ng kanilang mga Bgy Chairman sa Alkalde ng Munisipalidad ng Tuba.

-- ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.