Dating tanod, 2 babae timbog sa QC buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2019 04:56 AM

MAYNILA - Timbog ang isang dating barangay tanod at kaniyang 2 kaibigang babae sa buy-bust operation sa Banlat Road, Barangay Tandang Sora, Quezon City Martes ng madaling-araw.

Nakumpiska sa mga suspek ang 4 na pakete ng hinihinalang shabu.

Ayon kay Supt. Alex Alberto, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 3, matagal nilang minanmanan ang mga suspek bago isagawa ang operasyon.

Itinanggi ni alyas Jay na dating barangay tanod sa lugar na sangkot siya sa pagtutulak. Paliwanag niya, marami siyang kaaway na posibleng nag-set up umano sa kaniya.

Itinuro naman siya ng 2 kaibigang babae na umano'y supplier ng droga sa lugar. Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.