Babae patay sa pamamaril sa QC

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2019 05:58 PM | Updated as of Feb 12 2019 06:56 PM

MAYNILA (UPDATE) - Patay ang isang 52 anyos na babae matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin sa Barangay Masambong, Quezon City nitong Martes.

Kinilala ang biktima na si Marivic Remigio, na ayon sa inisyal na imbestigasyon ay galing sa barangay para hanapin ang nakaalitan na kagawad. 

Pag-alis niya umano sa barangay ay doon na siya tinambangan ng mga salarin na lulan ng motorisklo. Agad tumakas ang mga suspek na hindi nakilala dahil naka-helmet.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang pero isinantabi na ang anggulong robbery dahil hindi nagalaw ang gamit ng biktima. 

Kinordon na ang crime scene at nagsagawa na ng imbestigasyon ang pulisya.

-ulat ni Raya Capulong at Jeck Batallones, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.