5 pulis-Pasay sinibak dahil sa tugon sa 'panghihipo' ng Tsino sa ilang Pinay

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2019 12:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA – Sinibak na sa pwesto ni National Capital Region Police (NCRPO) chief Guillermo Eleazar ang 5 pulis ng Pasay kaugnay sa umano'y mishandling sa kaso ng 3 babae na hinupuan umano ng isang Chinese national. 

Inirekomenda ng mga pulis na makipag-areglo na lang sa suspek na si Zhang Yang ang mga babaeng estudyante na kaniya umanong minolestiya sa isang theme park sa Pasay. 

Ayon sa ina ng isa sa mga biktima, nasa horror house ang kaniyang anak at 7 kaibigan nang bigla silang hipuan ni Yang na empleyado ng isang online casino. 

Nakarating kay Eleazar ang reklamo kaya’t nangako itong agad na aaksiyon. 

Kabilang sa mga tinanggal sa puwesto dahil sa kanilang imbestigasyon si Chief Inspector Remedios Terte, hepe ng Pasay police precinct 1, gayundin sina PO3 Archie Rodriguez, PO3 Ranier Dumanacal, SPO2 Jonathan Bayot at SPO3 Timothy Mengote. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.