16 babae nasagip, 'bugaw' arestado sa Rizal

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2019 06:33 PM | Updated as of Feb 12 2019 07:19 PM

Nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 16 biktima ng human trafficking at inaresto ang umano ay bugaw ng mga ito sa entrapment operation sa isang inupahang bahay sa Rizal province.

Watch more in iWant or TFC.tv

Dinampot ng mga tauhan ng NBI ang suspek na si Christian Susano matapos nitong tanggapin ang pera kapalit ang mga ibinubugaw nitong mga babae.

Siningil umano ni Susano ang mga NBI agent — na nagpanggap na mga kostumer — ng P5,000 kada babae.

Ayon sa mga biktima, nangako raw sa kanila si Susano na babayaran sila ng tig-P4,000.

Nabatid sa imbestigasyon na kalahati sa mga biktima ay mga menor de edad.

Online umano ang pambubugaw ni Susano.

Nalaman ding kalalaya lang ni Susano matapos niyang mambugaw noong menor de edad pa siya.

Ikinulong si Susano sa kasong qualified trafficking in persons habang dadalhin sa Department of Social Welfare and Development ang mga biktima. -- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.