Sasakyan nalaglag sa hukay ng MRT-7

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2018 09:05 AM

MANILA - Nalaglag ang isang SUV sa hukay ng ginagawang MRT-7 station sa Commonwealth Avenue, Quezon City ngayong Lunes ng madaling-araw.

Galing sa Fairview ang sasakyan nang umiwas ito sa kotse at biglang lumiko pakaliwa. Tinumbok ng SUV ang concrete barrier at mga yero sa lugar saka dumiretso sa halos 2-metrong lalim na hukay, ayon sa security guard.

Hindi nasaktan ang drayber na nag-iisang sakay ng SUV. Nagpakilala siya bilang pulis, pero tumangging magbigay ng pahayag.

Amoy alak ang drayber, sabi ng guwardiya.

Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.