PANOORIN: Kotse nagliyab sa SLEX

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2018 11:37 AM

Watch more in iWant or iWantTFC

Nagliyab ang isang kotse sa southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEx), bahagi ng Cupang, Muntinlupa pasado alas-6 Lunes ng umaga.

Nakuhanan ng video ni Bayan Patroller Maria Luisa Sarte Guce ang nasusunog na Toyota Vios.

Ayon kay FO2 Joemar Camacho ng Muntinlupa Fire Station, alas-6:25 ng umaga nang maireport sa kanila ang nasusunog na Toyota Vios na may plakang TOF 628.

Agad namang naalis ang sasakyan sa lugar matapos maapula ng sunog, alas-6:35 ng umaga.

Wala namang nasaktan sa insidente at inaalam pa ang sanhi ng pagliyab ng sasakyan.