P4-milyon na ari-arian natupok sa Pasig

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2018 08:59 AM

MANILA - Naabo ang nasa P4 milyon halaga ng ari-arian matapos masunog ang isang apartment building sa Barangay Kapitolyo, Pasig nitong Linggo ng gabi.

Nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng gusali sa Third Street at mabilis na kumalat sa 6 na apartment unit, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

"'Yung aircon na luma possibly [ang sanhi]. Pero on going pa rin investigation," sabi ni Senior Insp. Anthony Arroyo ng BFP.

Naapula aniya ang sunog makalipas ang nasa isa't kalahating oras. Wala namang nasaktan sa insidente.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga tenant ng unit 6, kung saan nagsimula ang sunog.

Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.