Opisyal ng Cainta police patay sa engkuwentro

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2018 10:50 AM

MANILA - Patay ang deputy chief ng Cainta police sa Rizal matapos makabakbakan ang ilang drug suspect nitong Linggo ng gabi.

Rumesponde ang biktimang si Senior Insp. Jimmy Senosin at mga tauhan sa floodway ng Cainta matapos makatanggap ng tawag na may armadong grupo sa lugar, sabi ni Cainta police chief Supt. Ray Rosero.

Papasok pa lang aniya ang mga operatiba sa lugar nang paputukan sila at hagisan ng granada ng mga suspek na kilala sa mga alyas na Ruben at Ekis.

Tinamaan ng bala sa ulo si Senosin. Naisugod pa siya sa ospital, ngunit binawin din ng buhay.
 
Nakatas naman sina Ruben at Ekis. Naaresto ang mga kasabwat umano nilang sina Ronald Idolog at Josephine Lachica.

Ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.