Mga lugar sa Mindanao, binaha dahil sa bagyong 'Basyang'

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2018 10:06 PM

Nakunan ng mga larawan at video ng Bayan Patrollers ang pag-ulan at pagbahang dulot ng bagyong Basyang sa iba't-ibang bayan sa Mindanao, hapon ng Lunes.

Ibinahagi ni Bayan Patroller Michael Angelo Ang ang gutter-deep na baha sa A.D Curato Street, Brgy. Diego Silang, Butuan City pasado ala-una ng hapon. 

Sinuspinde na ang klase sa mula pre-school hanggang high school sa lungsod hanggang Martes dahil sa bagyo. 

Kuha ni Bayan Patroller Michael Angelo Ang

Mga Grade 1 students sa elementary department ng La Purisima High School na hindi makalabas sa kanilang silid-aralan dahil sa baha sa hallway ng paaralan ang nakunan ng video ni Bayan Patroller Mary Jean Lechugas, pasado alas-dos ng hapon. 

Watch more in iWant or TFC.tv
Kuha ni Bayan Patroller Mary Jean Lechugas

Nakuhanan rin ni Bayan Patroller Joefil Telin ang sitwasyon sa Union National High School, Madrid, Surigao del Sur pasado alas-dos ng hapon, kung saan binaha na ang open ground ng paaralan na kanyang pinagtuturuan. 

Watch more in iWant or TFC.tv
Kuha ni Bayan Patroller Joefil Telin

Pabugso-bugso rin daw ang ulan sa lugar kaya't nagdeklara na rin ng suspensyon ng klase hanggang bukas sa paaralan. Isinakay naman sa isang loader truck ang ilang mga estudyante, residente at motor sa Brgy. Cantapoy, Malimono, Surigao del Norte, pasado alas-3 ng hapon na makikita sa mga larawang ipinadala ni Bayan Patroller Leo Febra.

Kuha ni Bayan Patroller Leo Febra.
Kuha ni Bayan Patroller Leo Febra.
Kuha ni Bayan Patroller Leo Febra.

Kwento ni Leo, bumilis ang ragasa at tumaas ang tubig sa Manhuyay Creek kaya't nagpa-libreng sakay umano ang isang pribadong construction company sa lugar para makatulong sa mga residente na makatawid sa creek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.