Walo ang patay, kabilang ang 7 pulis, sa karambola ng 3 sasakyan sa Purok 11, Brgy. Poblacion, Naawan, Misamis Oriental, Sabado ng umaga.
Higit 20 naman ang naiulat na sugatan sa insidente at karamihan sa kanila ay mga pulis.
Ayon kay Police Brigadier General Lorenzo Coop, Regional director ng Police Regional Office 10, nakasakay ang mga pulis sa dalawang van at binabagtas ang kalsada ng Cagayan de Oro papuntang Iligan City.
Sa inisyal ng imbestigasyon ng pulisya, in-overtake umano ang isang wing van na pulis din ang laman.
Pero biglang sumabog ang unahang gulong ng trak na nagresulta sa banggaan ng 3 sasakyan.
Ayon kay Coop, galing sa schooling at police training sa Cagayan de Oro ang mga pulis na sakay sa dalawang van.
Ilan daw sa mga sugatang pulis ay nakabalik na sa kanilang kampo habang ang iba ay ginagamot pa sa hospital.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.