PatrolPH

Top 2 'most wanted' sa Digos, patay matapos 'manlaban'

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2021 03:13 AM

Top 2 'most wanted' sa Digos, patay matapos 'manlaban' 1
Kuha ng Digos City PNP

Napatay ng mga pulis ang isang 53-anyos na lalaki sa isang manhunt operation sa Barangay Dulangan, Digos City Martes.

Ayon sa Digos City PNP, kinilala bilang top 2 most wanted person sa lungsod si Vicente Abe, na nahaharap sa kasong homicide.

Nagpatupad sana ng warrant of arrest ang pulisya, pero nanlaban umano ang suspek imbes na sumuko.

Naisugod sa Davao del Sur Provincial Hospital ang suspek pero binawian din ng buhay.

Isasailalim din sa post mortem examination ang bangkay nito.--Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.